Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng barracks sa Barangay Tranca, Talisay, Batangas nitong Huwebes ng umaga, December 18, 2025.
Bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang kinilala na Jacky.
Ayon sa imbestigasyon ng Talisay Municipal Police Station, napansin ng kanyang katrabahong si Ronnie na bukas ang barracks ng biktima habang siya’y magluluto sana sa labas. Nang silipin niya ang loob, doon niya nakita ang biktima na nakahandusay at may sugat sa ulo.
Agad na ipinaalam ni Ronnie ang insidente sa iba pa nilang mga kasamahan at humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at ang posibleng sangkot sa insidente. | BChannel news