Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development ang mga benepisyaryong pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na may anak na naka-enroll sa Grade 12 na dumalo sa “Senior High School CareerPathWATCH.”
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng programa na alamin ang nais na career path ng mga magtatapos na estudyante upang maiugnay sila sa mga ahensyang makatutulong sa edukasyon, skills training, trabaho o pagnenegosyo.
Ang mga makukuhang datos ay ire-refer sa CHED, TESDA at DOLE.
Ang pagdalo sa aktibidad ay ituturing ding katumbas ng Family Development Session compliance para sa buwan ng Disyembre.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng DSWD upang matulungan ang mga pamilyang 4Ps na mapabuti ang kanilang kabuhayan. | BChannel NEWS