Arestado ng mga tauhan ng Lemery Municipal Police Station ang isang 20-anyos na lalaki na kilala bilang Mark dahil sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 o RA 10881 noong Disyembre 25 sa Lemery, Batangas.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 5 ng Lemery noong Nobyembre 24, na may inirekomendang piyansang P300K.
Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at isinailalim sa medical examination bago dinala sa kustodiya ng Lemery Police para sa tamang disposisyon.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, walang sinuman ang makakatakas sa batas at patuloy nilang sisiguruhin ang kaligtasan ng mamamayan sa lalawigan ng Batangas. | BChannel news