Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking nasa hustong gulang bandang alas-2:20 ng hapon kahapon, Enero 8, sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.
Ayon sa Binangonan Police, isang saksi na 30 taong gulang ang nagpapahinga sa lugar nang makaamoy ng mabahong amoy. Sinundan niya ang pinanggagalingan nito at doon natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima na kinilalang may alyas na “Revilla.”
Wala umanong kamag-anak ng nasawi sa lugar kaya limitado pa ang iba pang personal na detalye tungkol sa kanya.
Isasailalim ang bangkay sa autopsy examination upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay, habang patuloy ang imbestigasyon ng Binangonan Municipal Police Station. | BChannel news