Isinusulong sa Mababang Kapulungan ang House Bill No. 7432 na naglalayong ipatupad ang polisiya ng “no work, no pay” para sa mga miyembro ng Kongreso upang palakasin ang pananagutan at transparency sa pamahalaan.
Ang panukala ay inihain ni House Majority Leader at Presidential Son Sandro Marcos, at layong iugnay ang sahod at benepisyo ng mga mambabatas sa kanilang aktuwal na pagdalo at pakikilahok sa mga opisyal na gawain gaya ng plenary sessions at committee hearings.
Saklaw ng panukala ang lahat ng miyembro ng House of Representatives at Senate of the Philippines, kung saan babayaran lamang ang mga araw na may aktibong pagtupad sa tungkulin.
May mga safeguard din ang panukala, kabilang ang pagkilala sa mga katanggap-tanggap na dahilan ng pagliban gaya ng pagkakasakit, at ang obligasyon na ilathala ang attendance records ng mga mambabatas.
Ayon sa panukala, may batayang konstitusyonal ito sa Artikulo 6, Seksyon 10 ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na ang sahod ng mga mambabatas ay itinatakda ng batas.
Layunin ng panukala na tiyaking may katapat na serbisyo ang bawat pisong tinatanggap ng mga halal na opisyal. | BChannel news