Natagpuang patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa isang sapa sa Barangay San Fernando, Sto. Tomas City, Batangas, tanghali ng Pebrero 3, 2026.
Ayon sa ulat ng Sto. Tomas Component City Police Station, bandang alas-2:15 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa pagkakadiskubre ng bangkay, na unang nakita bandang alas-12:30 ng tanghali.
Sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay isang lalaking hindi pa nakikilala, suot ang puting T-shirt at berdeng shorts. Natagpuan itong nakadapa sa loob ng sapa at may nakitang bakas ng dugo sa likurang bahagi ng ulo. Isang residente ang unang nakakita sa katawan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng kanyang pagkamatay. | BChannel news