Opens in a new tab
Skip to content
News

21-anyos na lalaking may kasong r*pe, arestado sa Sto. Tomas City, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Arestado ang isang Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Tanauan City Police Station sa Brgy. San Isidro Norte, Sto. Tomas City, Batangas nitong Pebrero 17, 2026.

Kinilala ang suspek na si “Jayson,” 21-anyos, tubong Sagñay, Tigaon, Camarines Sur at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Banjo West, Tanauan City.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 8353 at Republic Act 11648 o ang batas na nagpapalakas ng proteksyon laban sa rape at sexual exploitation.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tanauan Component City Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.