Nagpulong ang Department of Science and Technology Batangas, Sorosoro Ibaba Development Cooperative at Ramon Aboitiz Foundation Inc. para palakasin ang coffee at cacao industry sa lalawigan, matapos ang meeting noong April 22 sa Batangas City.

Plano nilang magtayo ng isang innovation hub na magsisilbing one-stop center para sa research, product development at training ng farmers na kung saan mula pagtatanim hanggang pagbebenta.
Target din ng proyekto na mapataas ang produksyon ng mahigit 22,000 coffee at cacao trees at mas mapalawak ang kita ng lokal na magsasaka.
Ayon sa DOST, malaking tulong ang pagsasanib ng agribusiness expertise ng SIDC at environmental programs ng RAFI para mas maging sustainable at globally competitive ang industriya ng kape at cacao sa Batangas. | BChannel News |📸 DOST Batangas