Muling pinatunayan ng Batangas ang husay sa April 2026 Registered Electrical Engineers Licensure Examination matapos pumangalawa ang University of Batangas sa buong bansa bilang top-performing school, ayon sa PRC, na may 94.81 percent passing rate—sunod sa UP Los Baños.

Pasok din sa topnotchers sina Jemar Cañales Fajardo ng Batangas State University-Alangilan at Daniel Perez Padua ng University of Batangas matapos parehong mag-top 7 na may 92.55 percent rating.

Samantala, si John Veluz Labrador ng UP Diliman naman ang nanguna sa buong bansa sa naturang board exam.
Sa inilabas ng PRC, 3,769 sa 6,556 ang pumasa sa Registered Electrical Engineers Licensure Exam, habang 493 naman sa 882 ang nakapasa sa Registered Master Electricians Exam nitong April 2026. Magsisimula ang online registration ng mga bagong lisensyado sa June 15, ayon sa PRC. | BChannel News