Opens in a new tab
Skip to content
News

57-anyos na driver, nasawi nang barilin sa ulo sa Bauan, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Patay ang isang 57-anyos na driver matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa isang sari-sari store sa Brgy. Manghinao Uno, Bauan, Batangas kagabi, May 14, bandang alas-8 ng gabi.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station, bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng suspek habang nasa tindahan, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang salarin patungong Alitagtag, Batangas.

Sa crime scene, nakarekober ang mga awtoridad ng isang basyo ng kalibre .45 baril na posibleng ginamit sa krimen.

Agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya kasabay ng follow-up investigation upang matunton ang tumakas na suspek. Kinapanayam na rin ang asawa ng biktima at ilang posibleng saksi, habang sinusuri na ang mga kuha sa CCTV sa lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Ronie, residente ng naturang barangay at tubong Mabini, Batangas.

Humingi na rin ng tulong ang Bauan police sa Batangas Forensic Unit para sa mas masusing pagproseso ng pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril.