Tumulong ang iba’t ibang SM Supermalls sa Batangas sa paghahanda ng mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase sa ilalim ng Brigada Eskwela.

Nakibahagi ang mga volunteers mula SM City Batangas, Lipa, Lemery at Sto. Tomas sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura ng classrooms sa ilang paaralan sa lalawigan.

Sa Gulod Integrated School, inayos ang mga sahig at kapaligiran, habang sa Plaridel Elementary School sa Lipa, nagsagawa ng repair at repainting. Nagsagawa rin ng cleanup at pag-aayos ng pasilidad ang mga team sa Lemery at Sto. Tomas.

Nag-donate din ng pintura at iba pang materyales para sa patuloy na maintenance ng mga paaralan.

Ayon sa SM, bahagi ito ng kanilang volunteer program para suportahan ang edukasyon at masigurong maayos at ligtas ang learning spaces ng mga estudyante.