Opens in a new tab
Skip to content
Local

Mga suspek sa paulit-ulit na pagnanakaw ng kable sa Antipolo, tiklo; isa pinaghahanap pa

Nahuli ang ilang suspek sa paulit-ulit na pagnanakaw ng kable sa Antipolo City sa Barangay San Roque.

Ayon kay Mayor Jun-Andeng Ynares, matagal nang problema ang pagnanakaw ng wiring sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, na nagdudulot ng abala sa serbisyo at dagdag gastos para sa pamahalaan.

Sa pinakahuling insidente, naaktuhan ng barangay at pulisya ang tatlong suspek habang pinuputol ang mga linya ng kable. Nahuli sa akto si Mark habang nasa poste, habang kalaunan ay naaresto rin si John sa follow-up operation. Patuloy naman ang paghahanap kay Marvin Legaspi.

Narekober ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 350 metro ng electrical wires at mga gamit sa pagputol. Napag-alaman ding hindi ito ang unang beses na sangkot ang mga suspek sa ganitong gawain, at ilan sa target nila ang mga park, paaralan, footbridge, at linya ng kuryente sa lungsod.

Giit ng lokal na pamahalaan, malaking perwisyo ito sa publiko dahil naaantala ang serbisyo at nasasayang ang pondo para sa ibang proyekto.

Kaya naman hinikayat ng mga opisyal ang mamamayan na maging mapagmatyag at agad i-report ang kahina-hinalang kilos upang mapigilan ang ganitong krimen sa komunidad.