Opisyal nang binuksan ang Arcoe Residences sa Sampaguita Street, Brgy. Munting Pulo, Lipa City, Batangas, isang modernong residential development ng R Land Development Inc., subsidiary ng RMR Capital Inc., na ngayon ay handa nang tumanggap ng mga bagong homeowners.

Sa ginanap na grand opening nitong June 20, ipinakita ang kabuuang vision ng proyekto bilang isang master-planned community na dinisenyo hindi lang bilang tirahan kundi bilang isang lugar para sa mas maayos at mas maginhawang pamumuhay.

Isa sa mga pangunahing tampok ng pagbubukas ay ang actual model unit tours, kung saan personal na nakita ng Balisong Channel Team ang Platinum, Gold at Silver units, mula townhouse hanggang single-attached homes.
Dito nasilayan ang high-quality design ng bawat bahay na pinagsasama ang mid-century architecture at tropical-inspired elements, na nagbibigay ng balanseng style at functionality.
Ayon sa R Land Development Inc., nakatuon ang Arcoe Residences sa pagbibigay ng quality-built homes na hindi lang visually appealing kundi maayos ang paggamit ng espasyo, may matibay na konstruksyon, at angkop sa modernong lifestyle ng mga pamilya.
Isang malaking highlight ng proyekto ang konsepto nitong “affordable luxury,” kung saan ang premium features ay ginawang accessible. Sa halip na limitado sa high-end market, binibigyang pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makaranas ng upscale living sa mas abot-kayang halaga.
Kabilang sa mga features na ito ang secure community, maluluwag na interiors, at quality finishes, na karaniwang makikita sa mas mamahaling developments.
Matatagpuan sa humigit-kumulang 9.3 ektaryang lupa sa Lipa City, ang Arcoe Residences ay nag-aalok din ng refreshing environment sa pamamagitan ng malalawak na green spaces at preserved natural trees.
Bukod sa bahay, binibigyang halaga rin ng development ang lifestyle at wellness ng mga residente. Tampok sa komunidad ang swimming pool, jogging trails, at multipurpose areas para sa sports at outdoor activities.
Sa ginanap na opening, mas naging buhay ang komunidad dahil sa Pickleball Open Play at coaching sessions, kung saan nakilahok ang international players at certified coaches.
Isa ring mahalagang milestone sa pagbubukas ay ang opisyal na inauguration ng clubhouse at swimming pool, na magsisilbing sentro ng community life. Ayon sa pamunuan, dito mararanasan ang tinatawag nilang resort-style living, kung saan ang araw-araw na pamumuhay ay parang bakasyon.
Matatagpuan ang Arcoe Residences sa mga barangay ng San Isidro at Munting Pulo sa Lipa City, isang lugar na kilala sa malamig na klima at preskong hangin. Ang proximity nito sa Mt. Malarayat ay nagbibigay ng panoramic views at relaxing atmosphere na ideal para sa mga naghahanap ng tahimik na paligid.
Dagdag pa rito, napakadali ring ma-access ang mga pangunahing establisimyento dahil malapit ito sa SM City Lipa at Robinsons Lipa, pati na rin sa mga pamilihan, paaralan, at iba pang essential services na kailangan ng pamilya.
Sa kasalukuyan, ayon sa pamunuan, mayroon nang higit sa 600 housing units ang proyekto at nasa higit 200 na ang sold, na nagpapakita ng mataas na interes at tiwala ng publiko sa Arcoe Residences.
Dumalo sa event ang mga sales partners, investors, media, homebuyers, at key stakeholders na nagbigay suporta sa patuloy na paglago ng proyekto.
Dumalo rin sa opening ang mga key officials ng kumpanya kabilang sina RMR Capital Inc. CFO Regina Theresa R. Lava, Project Development & Finance AVP Aron Stephen Plan, Sales & Marketing VP Maria Charyna B. Francisco, at Design Lab Director Arch. Patrick Robert A. Dela Cuesta, kasama ang iba pang partners at stakeholders. Ang kanilang presensya ay patunay ng solid na pamamahala at direksyon ng proyekto.
Ang Arcoe Residences ay bahagi rin ng mas pinalawak na plano ng R Land Development Inc. na mag-develop ng mga dekalidad na komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Arcoe Estates sa Angeles City, Pampanga, at mga paparating pang proyekto sa Cavite. | via #BCBranLab