Pinarangalan ang mga outstanding students mula sa iba’t ibang paaralan sa Batangas City sa “Mga Natatanging Mag-aaral ng Lungsod ng Batangas” o MNMLB 2026 na ginanap sa Batangas City Convention Centre, sa pangunguna ng JCI Batangas Caballero at ni President Kevin Matthew Cua, nitong June 27, 2026.


Limang taon nang isinasagawa ang MNMLB, kung saan nagtipon ang ilang mga estudyante mula sa iba’t ibang school sa Batangas City na nagtapos sa S.Y 2025-2026, guro, magulang, at community leaders para kilalanin ang galing ng kabataang Batangueño, hindi lang sa academics kundi pati sa leadership, serbisyo, at karakter.




Sa special awards, kabilang sa kinilala sa Culture and Arts sina Alana Ashley, Gerielle Malabanan, Elijah Bunquin, Jesa Ramos, at Lalame Evangelista. Sa Socio-Civic, kabilang sina Alana Ashley, Beatriz Marasigan, Jarrence Cueto, Jesa Ramos, at Philip Caysido. Sa Sports category, kinilala sina Alana Ashley, Rohan Rosaluna, Gabriel Eje, Jesa Ramos, at Lawrence Tana. Sa academics naman, kabilang sina Alana Ashley, Ann Lumanglas, Lalane Evangelista, Jesa Ramos, at Francis Candava.

Ipinagkaloob din ang YLEAH Youth Leadership Excellence Award o Batang Lider Award sa ilang outstanding students gaya nina Allana Ashley Jalandoni, Apoll Marc Hernandez, Charles Stephen Montejo, Ethan Patrick Garcia, Hannah Gabrielle Garcia, Francis Raphael Candava, Gerielle Denise Malabanan, John Elijah Bunquin, Jesa Mary Ramos, Daniela Marin Montalbo, Precious Nicole Calatong, Gabriel Eje, Lawrence Tana, at Matt Jezrael Barte.
Samantala, tinanghal ang Top 10 ng MNMLB 2026, kabilang sina Francis Raphael Candava, Hannah Gabrielle Garcia, Gerielle Denise Malabanan, Lalane Glo Evangelista, Precious Nicole Calatong, Jesa Mary Ramos, Gabriel Eje, Apoll Marc Hernandez, Allana Ashley Jalandoni, at Matt Jezrael Barte.
Pinangunahan ni Jameson Rieta, CEO at Founder ng Balisong Channel at Chairman of the Board of Judges, ang proseso ng pagpili ng mga nagwagi.

Dumalo rin sina Batangas City Councilor Aileen Montalbo at Andrea Macaraig, kung saan ipinakita ang suporta at paghanga sa mga kabataan. Ayon kay Macaraig, hindi sukatan ang edad kundi ang epekto ng kabataan sa kanilang komunidad.
Binati rin ni Regional Vice President Bernadette Beatriz Robles at Area Vice President Robin Estrellado ang mga finalist, kasama ang kanilang mga magulang, guro, at mentors. Sa mensahe, hinikayat ang mga kabataan na yakapin ang hamon at gamitin ang oportunidad para sa mas malaking tagumpay.

Sa pagtatapos, nagpasalamat si MNMLB 2026 Director Joaquin Vicente Bagui, habang iginiit ng JCI Batangas Caballero na ang layunin ng programa ay hubugin ang mga kabataang lider na hindi lang mahusay sa akademiko kundi may malasakit sa komunidad.
Pinili ang mga awardees bilang residente o kasalukuyang estudyante sa lungsod, kabilang sa Grade 12 graduates ng School Year 2025–2026 na may maayos na academic standing at aktibong lider sa kanilang paaralan o komunidad. Nagsimula ang application period mula May 25 hanggang June 7, 2026.
Ayon sa JCI Batangas Caballero, ang MNMLB ay hindi lamang pagbibigay parangal kundi paghubog ng mga kabataang lider na may malasakit sa kapwa. Layunin nitong hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang kanilang kakayahan para magbigay ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad. | JPamintuan, BChannel News