Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

29-anyos na lalaki, arestado sa pananaksak sa Lemery, Batangas

crime scene do not cross signage

Arestado ang isang 29-anyos na construction worker matapos umano niyang saksakin ang kanyang kasamahan habang nag-iinuman sa Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas nitong gabi ng July 5.

Ayon sa imbestigasyon ng Lemery Municipal Police Station, nagtangkang umawat ang 27-anyos na biktima sa mainitang pagtatalo ng suspek at iba pa nilang kasama nang bigla umano siyang saksakin sa ilalim ng kaliwang braso.

Agad na isinugod ang biktima sa Batangas Provincial Hospital para sa paggamot, habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na kinilalang si Jeffer, tubong Barangay Paliparan 2, Dasmariñas, Cavite.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Frustrated Homicide kaugnay ng insidente.