Opens in a new tab
Skip to content
International

Alex Eala, panalo laban kay Alycia Parks; Pasok sa Round 3 ng Canadian Open

Patuloy ang magandang kampanya ni Alex Eala sa WTA 1000 National Bank Open sa Toronto, Canada matapos niyang pataubin ang Amerikanang si Alycia Parks sa iskor na 6-1, 4-6, 6-2 para makausad sa Round 3.

Bukod sa pag-abante, nakabawi rin si Eala kay Parks matapos siyang matalo noon sa Australian Open, kung saan nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 6-0, 3-6, 2-6 pabor sa Amerikanang manlalaro.

Matapos ang dominanteng unang set, nahirapan si Eala sa ikalawa bago muling kontrolin ang laban sa deciding set upang maselyuhan ang panalo.

Sa susunod na round, makakaharap ng Pinay tennis star si Caty McNally ng Estados Unidos, na nagpasiklab din matapos patalsikin ang Wimbledon champion at world No. 7 na si Linda Noskova.