Opens in a new tab
Skip to content
Local

Bangkay na nakasilid sa sako, natagpuan sa Candelaria, Quezon

crime scene do not cross signage

Trahedya ang sinapit ng paghahanap sa isang lalaking naiulat na nawawala sa Barangay Kinatihan 2, Candelaria, Quezon matapos matagpuan ang isang bangkay sa loob ng Golden Farm sa Sitio Kabilang Bitin noong Agosto 6.

Nauna rito, humingi ng tulong sa barangay ang pamilya ni “Tonton”, na hindi na umano nakauwi matapos umalis ng bahay noong Agosto 3 para mangolekta ng puso ng saging.

Habang nagsasagawa ng search operation ang mga barangay tanod, nadiskubre ang bangkay sa loob ng isang septic tank, nakabalot sa sako at garbage bag.

Humingi na ng tulong ang pulisya sa SOCO para sa masusing pagsusuri sa lugar at sa labi ng biktima, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay at mga posibleng nasa likod ng karumal dumal na krimen. | BChannel news