Opens in a new tab
Skip to content
National

Alex Eala, Pasok sa Round of 16 Matapos ang Matinding Laban sa Toronto

Nagpatuloy ang winning streak ni Alex Eala matapos pataubin ang Amerikanang si Caty McNally, 6-3, 5-7, 6-4, para makausad sa Round of 16 ng WTA 1000 National Bank Open sa Toronto, Canada.

Hindi naging madali ang laban para sa Pinay tennis star na kinailangan pang harapin ang problema sa paa habang nasa gitna ng bakbakan. Sa kabila nito, nanatili siyang kalmado at matatag upang makuha ang panalo sa tatlong set.

Matapos kunin ang unang set, nakabawi si McNally sa ikalawa at napuwersa ang deciding set. Ngunit muling nagpakita ng composure si Eala at naagaw ang huling set para maselyuhan ang kanyang pag-abante.

Ito na ang ika-pitong sunod na panalo ni Eala mula pa noong torneo sa Washington D.C.

Sa susunod na round, haharapin ng World No. 20 na si Eala ang Swiss player na si Belinda Bencic sa pagpapatuloy ng torneo sa Canada. | BChannel news