Opens in a new tab
Skip to content
Local

PDEA, nakasabat ng P3.4-M hinihinalang shabu sa Imus City, Cavite

Dalawang hinihinalang high-value drug personalities ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Buhay na Tubig, Imus City, Cavite kagabi, Agosto 13.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na si Ryan, 33, at Mark, 35. Sa operasyon na isinagawa ng PDEA Cavite Provincial Office katuwang ang Cavite Maritime Police Station, nasamsam ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P3.4 milyon.

Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money, isang smartphone, isang multi-purpose vehicle, susi ng sasakyan, at driver’s license.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang umano’y sabwatan sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa posibleng koneksyon ng mga naaresto sa ilegal na operasyon ng droga sa Imus City, Cavite. | BChannel news