Nasawi ang mag-asawa matapos makuryente sa Sitio Mahabang Parang, Barangay Malaruhatan, Lian, Batangas noong umaga ng Agosto 14.
Batay sa paunang imbestigasyon Lian Police Station, inaayos umano ng 60-anyos na si Clemente ang isang electrical wire sa kanilang piggery nang aksidente itong madikit sa live wire at makuryente. Nangyari umano ang insidente bandang 9:50 ng umaga.
Sa pagtatangkang tulungan ang kanyang asawa, nakuryente rin ang 59-anyos na si Lorena.
Rumesponde naman ang Lian MDRRMO at isinugod ang dalawa sa District Hospital, ngunit kapwa sila idineklarang dead on arrival.
Kasunod ng insidente, agad na ipinagbigay-alam sa BATELEC ang pangyayari at nagtungo sa lugar ang mga lineman upang masiguro ang live wire at maiwasan ang iba pang aksidente.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang naturang insidente. | BChannel news