Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

11-anyos na bata, nasawi matapos tangayin ng baha sa Mabini, Batangas

Nasawi ang isang 11-anyos na Grade 6 student matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig at ma-stuck sa isang kanal sa Barangay Anilao East, Mabini, Batangas, nitong Agosto 18, 2026.

Batay sa ulat ng Mabini Municipal Police Station, bandang 5:20 PM nang aksidenteng mahulog ang bata sa kanal habang naglalakad sa gilid ng kalsada kasama ang kanyang mga kalaro. Malakas ang agos ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.

Bandang 6:15 PM nang makatanggap ng report ang Mabini MPS at agad na nagsagawa ng search and rescue operation.

Matapos ang halos apat na oras na paghahanap, bandang 9:15 PM nang matagpuan ang bata na na-stuck sa isang kanal.

May pulso pa umano ang bata nang ma-rescue kaya agad siyang isinugod sa ospital. Gayunman, idineklarang dead on arrival o DOA ang biktima pagdating sa pagamutan.

Ang biktima, na tinukoy na si “Terenz,” ay residente ng Barangay San Jose, Mabini, Batangas.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente. | BChannel News |PHOTO: Noel Uban Evangelio Jr