Opens in a new tab
Skip to content
National

₱1-M multa sa online gaming operator dahil sa unauthorized promo; ilang content creators, kinasuhan

Pinagmulta ng ₱1 milyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang isang online gaming operator matapos ma-link sa promotional campaign na tampok si content creator Ivana Alawi, na isinagawa nang walang kinakailangang approval mula sa ahensya.

Ayon kay PAGCOR Chair Alejandro Tengco, bahagi ito ng mas mahigpit na pre-screening at regulasyon sa mga advertisement at promotional activities ng online gaming platforms, kasama ang pakikipag-ugnayan sa Ad Standards Council o ASC.

Bukod sa monetary penalty, binigyan din ng babala ang operator na maaari itong humarap sa suspensyon at mas mabigat na parusa kapag naulit ang paglabag.

Samantala, sinabi ni Tengco na nasa 12 hanggang 15 content creators na ang kinasuhan dahil umano sa pagpo-promote ng mga ilegal na online gaming platform.

May iba rin umanong content creators na kusang umatras sa ganitong promosyon matapos mabigyan ng babala ng mga awtoridad.

Iginiit ng PAGCOR na kabilang sa ipinagbabawal ang mga paraan ng promosyon na direktang nanghihikayat sa publiko na sumali o maglaro ng e-sugal. Aminado rin ang ahensya na may ilang content creators at online gaming operators na patuloy na hindi sumusunod sa mga itinakdang pamantayan. | BChannel news