Opens in a new tab
Skip to content
National

Alex Eala, pasok ulit sa second round ng US Open 2026

Diretso sa second round ng US Open si Filipina tennis ace Alex Eala matapos dominahin si American qualifier Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa Louis Armstrong Stadium sa New York.

Ito na ang ikalawang sunod na taon na umabot si Eala sa second round ng torneo.

Noong 2025, gumawa siya ng history bilang unang Filipino sa Open Era na nanalo ng singles match sa Grand Slam main draw.

Ngayon, target naman ni Eala ang kanyang unang third-round appearance sa US Open. Makakaharap niya sa next round ang Ukrainian player na si Oleksandra Oliynykova.