Opens in a new tab
Skip to content
Business

EV charging facilities, palalawakin sa government offices sa 2027

Mas maraming government offices ang posibleng magkaroon ng electric vehicle charging facilities sa 2027, kasunod ng panukalang dagdag-pondo para sa Electric Vehicle Industry Development Program o EVIDP.

Sa proposed 2027 National Expenditure Program, naglaan ang Department of Budget and Management o DBM ng PHP228.92 million para sa programa. Mas mataas ito ng 605.17 percent kumpara sa PHP32.46 million na pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Pangunahing gagamitin ang dagdag na budget sa EVision Project, na magpapalawak ng charging facilities sa mga piling government offices.

Kasama rin sa plano ang pagtatayo ng Electric Vehicle Charging System Testing Facility, para mas mapalakas ang kakayahan ng gobyerno na mag-test at magsuri ng mga charging system para sa electric vehicles.

Ayon sa DBM, layunin nitong gawing mas accessible at practical ang paggamit ng EVs sa government operations, habang sinusuportahan ang mas malawak na paggamit ng cleaner transport.

Bahagi ang EVIDP ng proposed PHP5.58-billion budget ng Department of Energy para sa 2027, na 25.74 percent na mas mataas sa PHP4.43-billion allocation nito ngayong 2026.

Bukod sa EV program, may PHP1.36 billion din para sa Philippine Gradiometry and Seismic Survey Project, mula sa PHP627.50 million ngayong taon.

Ang proyekto ay para sa pag-aaral at pagtukoy ng posibleng local energy resources na maaaring makatulong sa pag-develop ng domestic energy sources at pagbawas ng pag-asa sa imported energy sa mas mahabang panahon. | BChannel News