Opens in a new tab
Skip to content
National

Carlos Yulo, nakasungkit muli ng gold sa 2026 Asian games

Nagdagdag ng panibagong gold medal si Carlos Edriel Yulo para sa Team Pilipinas matapos niyang mag-champion sa Men’s Vault Final ng 2026 Aichi-Nagoya Asian Games sa Nagoya General Gymnasium.

Nakuha ni Yulo ang gold matapos mag-average ng 14.599. Sa first vault, nagtala siya ng 14.733, habang 14.466 naman sa second vault.

Nasa second place si Iran’s Mahdi Olfati na may 14.533, habang bronze si Hong Kong’s Ng Ka Ki na may 14.116.

Samantala, nagtapos sa fifth place ang kapwa Pinoy gymnast na si Juancho Miguel Besana matapos makakuha ng 13.783 average mula sa kanyang dalawang vault na 13.766 at 13.800.

Ito na ang ikalawang gold medal ni Yulo sa Asian Games matapos ang kanyang title sa floor exercise. | BChannel news