Patuloy na pinaiigting ng Angkas ang pagsasanay sa kaligtasan at disiplina ng mga rider nito sa Batangas upang matiyak na handa sila bago bumiyahe at magsakay ng mga pasahero.
Mismong si PCpl. Renato Glean ng Highway Patrol Group (HPG) Region IV-A ang sumubok sa safety training course ng Angkas, at aminado siyang hindi ito madali.
“Mahirap po (ang training). Sa tingin ko, pagka ito na-apply nila, magagaling na sila,” ani Glean matapos subukan ang training course.
Pinuri rin niya ang seminar at training facility ng Angkas, na ayon sa kaniya ay maihahambing sa uri ng pagsasanay na kanilang isinasagawa sa HPG.
“Maganda ang seminar at maganda rin ang training facility. At nakita ko naman, pasok naman sa standard. Katulad din sa training namin (sa HPG),” aniya.
Para kay Glean, mahalaga ang ganitong uri ng pagsasanay upang maihanda ang mga aplikanteng rider bago sila tuluyang bumiyahe at magsakay ng mga pasahero.
“Maganda nga yung ganito para pagka yung mga applicants, pagdating sa labas, maganda ang kalalabasan at hindi pasaway,” dagdag niya.
May paalala rin siya sa mga nagnanais maging Angkas rider na panatilihin ang disiplina sa kalsada, sumunod sa mga batas trapiko, at maging magalang sa mga pasahero.
Sa pamamagitan ng masusing pagsasanay sa mga rider sa Batangas, layunin ng Angkas na gawing bahagi ng bawat biyahe ang kaligtasan, na nagsisimula sa tamang paghahanda at disiplina bago pa man sumabak sa kalsada. | #BCBrandLab