Opens in a new tab
Skip to content
Local

P340-k halaga ng umanoy shabu, nasamsam sa buy-bust sa General Trias City, Cavite

Aabot sa P340-thousand pesos ang halaga ng umanoy shabu na nakumpiska mula sa isang 36-year-old na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Navarro, General Trias City, Cavite, nitong October 27.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Cavite Provincial Office, dakong alas-9:07 ng gabi nang isagawa ang operasyon katuwang ang Maritime Police, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si alias Jomer, residente ng nasabing barangay.

Tinatayang nasa 50 grams ng suspected shabu ang nasamsam sa suspek, na kabilang umano sa listahan ng mga target na drug personality sa CALABARZON.

Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin ang buy-bust money, isang cellphone, at driver’s license.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.