Posibleng tumaas ng mahigit tatlong piso kada litro ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang inaasahang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene.
Batay sa estimates ng oil industry sources, nasa ₱2.90 hanggang ₱3.20 ang posibleng dagdag sa gasolina. Samantala, maaaring bumaba ng ₱0.40 hanggang ₱0.60 ang diesel at ₱1.40 naman sa kerosene.
Iniuugnay ang pagtaas ng gasolina sa pangambang maantala ang global oil supply dahil sa patuloy na tensyon at bakbakan sa Middle East, kabilang ang posibleng pag-atake ng United States sa Iran.
Gayunman, nakatulong ang pag-asang magkakaroon ng diplomatic breakthrough para matapos ang walong buwang conflict upang mabawasan ang inaasahang pagtaas.
Batay pa ito sa apat na araw na trading at maaari pang magbago matapos ang final trading session sa Biyernes.