Anim na bagong rides ang ipakikilala ng J Castles sa Tanauan City, Batangas bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga atraksyon nito ngayong Christmas season.
Kabilang sa bagong rides ng J Superstar ang J’s Combat Cruiser, isang high-speed coaster; Stacy’s Spinner at Snooze’s Tower na parehong nag-aalok ng swinging at spinning experience; Jett’s Sky Wheel para sa panoramic view ng parke; Pixel’s Armor na may spinning at flipping movements; at Spark’s Ship na may malalaking swinging motion.
Kasabay nito, maglulunsad din ang J Castles ng serye ng Christmas celebrations simula November 21, 2026, sa pamamagitan ng programang Let the Stars Light Up Christmas na magtatampok kay Ivana Alawi.
Susundan ito ng celebrity meet-and-greet kasama sina Maja Salvador sa November 22, Zeinab Harake sa November 28, Viy Cortez sa November 29, at Daniel Padilla sa December 5.
Kabilang din sa lineup sina Hyubs Azarcon, Zanjoe Marudo at LA Tenorio sa December 6; Alex Gonzaga sa December 12; Donnalyn sa December 13; at Team KKK na kinabibilangan nina Katrina Halili, Katie at Kris Lawrence sa December 19.
Tampok din ang grand Christmas lighting ceremony, parade, performances, fireworks display, at Christmas Season Edition ng Dreamers Show.
Matatagpuan ang J Castles sa Purok 7, Barangay Gonzales, Tanauan City, Batangas. | #BCBrandLab