Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Delivery rider, ilang beses sin^ksak habang naghahatid ng parcel sa Taal, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Sugatan ang isang 41-anyos na delivery rider matapos saksakin nang ilang beses habang naghahatid ng parcel sa Barangay Buli, Taal, Batangas, bandang alas-3:20 ng hapon nitong November 17, 2026.

Kinilala ng Taal Police Station ang biktima na si Michel, residente ng Barangay Bolbok, Taal. Batay sa paunang imbestigasyon ng Police Station, isang lalaki na residente rin ng Barangay Buli ang umano’y sumaksak sa biktima.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, posibleng selos ang motibo sa insidente.

Nakatanggap ng ulat ang pulisya mula kay Barangay Chairman Casimero bandang alas-3:50 ng hapon. Agad namang nagsagawa ng Dragnet Operation at pakikipag-usap sa mga posibleng saksi ang mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente. | BChannel news