Patay ang isang 35-anyos na lalaki matapos malunod sa isang private resort sa Antipolo City. Nangyari ang insidente gabi ng April 23 sa Brgy. Sta. Cruz.
Ayon sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, nag-outing ang pamilya ng biktima nang mapansin na nawawala ito habang naliligo sa pool. Inakala pa umano ng kanyang kapatid na nakatulog lang ito dahil sa posibleng pag-inom ng alak.
Pero makalipas ang halos sampung minuto, nakita ng dalawang pamangkin ang biktima na nakalubog sa bahagi ng swimming pool. Agad itong iniahon at sinubukang i-CPR ng mga kasama.
Isinugod ang biktima sa Hospital gamit ang tricycle, ngunit sa kabila ng pagsisikap ng doktor, idineklara itong dead on arrival.
Ang biktima ay kinilalang si Jeric, residente ng Pasig City.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng pulisya ang publiko na mag-ingat sa mga swimming activity, lalo na sa mga outing, upang maiwasan ang ganitong trahedya. | BChannel News