Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa kanyang higaan sa isang barracks sa Barangay Loma, Biñan City, Laguna madaling araw ng April 28
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dumating umano ang biktima sa kanyang tinutuluyang barracks bandang alas-10 ng gabi, habang dumaraing sa sakit ng dibdib. Kuwento ng witness, sinabi ng biktima na sinuntok siya ng kanyang katrabaho na si Arnel, isang painter sa kanilang pinapasukang kumpanya sa naturang barangay.
Nagsagawa ng ocular inspection ang mga awtoridad upang alamin kung may senyales ng foul play o pananakit na posibleng naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa pulisya, alas-5 ng umaga nang madiskubre ang biktima at nai-report ito bandang alas-7:30.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Biñan City police ang insidente habang hinihintay ang resulta ng mas malalim na pagsusuri upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima. | BChannel NEWS