Opens in a new tab
Skip to content
News

Rider, patay sa pamamaril sa Balayan, Batangas

crime scene do not cross signage

Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Dao sa Balayan, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:45 ng gabi nang makarinig umano ng putok ng baril ang ilang residente sa lugar. Paglabas nila, nakita na ang biktima na nakahandusay sa tabi ng kaniyang motorsiklo at may tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga awtoridad, agad na nakatakas ang hindi pa nakikilalang suspek papunta sa hindi pa matukoy na direksyon.

Bandang alas-9:10 naman ng gabi nang makatanggap ng report ang Balayan Municipal Police Station mula sa isang barangay official kaugnay ng insidente kaya agad rumesponde ang mga imbestigador sa lugar.

Patuloy ngayon ang follow-up investigation at dragnet operation ng pulisya para matukoy at maaresto ang suspek. Humingi na rin ng tulong ang mga awtoridad sa SOCO team para sa mas malalim na pagsusuri sa crime scene.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.