Isang babae ang sugatan matapos umano’y pagbabarilin ng kanyang asawa sa Barangay Halang, Taal, Batangas nitong June 7 ng gabi.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa bago maganap ang insidente, kung saan paulit-ulit umanong pinaputukan ang biktimang kinilalang si “Diana.”
Agad siyang dinala sa Taal Polymedic Hospital at kasalukuyang nagpapagamot dahil sa tinamong mga tama ng bala.
Samantala, tumakas ang suspek na kinilalang si Harold alias “Seda” matapos ang pamamaril.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation at dragnet ang pulisya, habang sinusuri rin ang CCTV footage para matukoy ang kinaroroonan ng suspek at tuluyang madakip gayundin ang motibo sa krimen.| BChannel News