Inilikas ang 48 residente mula sa 11 pamilya sa Barangay Lucsuhin, Calatagan, Batangas matapos ituring na delikado ang kanilang lugar dahil sa banta ng pagguho ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat ngayong Agosto, 7.
Sa pangunguna ng Coast Guard, MDRRMO Calatagan, at mga opisyal ng barangay, ligtas na nailipat ang mga residente sa UCCP Evacuation Center bago pa lumala ang sitwasyon.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang lagay ng panahon at hinihikayat ang iba pang residente sa mga danger zone na sumunod sa mga abiso upang maiwasan ang sakuna.| BChannel News | 📸 Coast Guard Station Batangas