Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

28-anyos na lalaki, patay matapos makuryente sa poste sa Lipa City, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos umanong makuryente sa isang streetlight pole sa J.P. Laurel Highway, Barangay Tambo, Lipa City, Batangas, kasunod ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa Lipa City Police Station, nangyari ang insidente dakong 11:20 ng gabi noong August 8, 2026, at nai-report sa pulisya bandang 12:30 ng madaling araw ng August 9.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa pavement nang mahawakan nito ang poste ng streetlight, dahilan para biglang bumagsak ang biktima.

Agad humingi ng tulong ang mga personnel ng isang Gasoline Station na nakasaksi sa insidente. Rumesponde ang mga patrol personnel ng Lipa CCPS, kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO at BATELEC Lipa.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Lipa, pero idineklarang Dead on Arrival dakong 12:41 ng madaling araw ng August 9.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Mark,” 28 anyos, isang dishwasher at residente ng Barangay San Isidro, Cuenca, Batangas. | BChannel News