Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Rubber shoes at wellness program, ipinamahagi sa mga estudyante sa Calaca

Nakatanggap muli ng rubber shoes ang mga mag-aaral ng Tamayo Elementary School, Matipok Elementary School, Madalunot Elementary School, at Puting Kahoy ES/NHS sa Calaca City, Batangas.

Kasabay nito, isinagawa rin ang BATA SHA initiative, isang programang nakatuon sa mental health at wellness ng mga estudyante. Bahagi rin ng aktibidad ang pamimigay ng bitamina sa mga bata kung saan nakatanggap rin sila ng prutas na orange.

Ayon sa lokal na pamalaan, layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mag-aaral at suportahan hindi lamang ang kanilang pag-aaral kundi pati ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Inaasahan ding magpapatuloy ang pamamahagi ng rubber shoes at iba pang kaugnay na programa sa iba pang pampublikong paaralan sa Calaca City, ayon kay Mayor Nas Ona.

Kilala ang lungsod sa kanilang malaking suporta sa edukasyon na kanilang nasasakupan kung saan maging ang uniporme, tumbler, school supplies, at bag ay ipinapamahagi sa mga estudyante. | BChannel News