Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki, sinaksak sa loob ng barracks sa Malvar, Batangas; suspek arestado

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Isang 36-anyos na construction worker ang isinugod sa ospital matapos umanong saksakin ng kapwa construction worker sa loob ng kanilang barracks sa Barangay Bulihan, Malvar, Batangas.

Naganap ang insidente bandang 10:00 ng gabi noong Agosto 20, 2026, at nai-report sa Malvar Municipal Police Station bandang 10:50 ng gabi.

Ayon sa paunang imbestigasyon, gumagamit ng cellphone ang biktima sa loob ng barracks nang bigla umano siyang saksakin ng suspek sa leeg at iba pang bahagi ng katawan. Wala umanong malinaw na dahilan sa pananaksak.

Agad na dinala ang biktima sa Tanauan Medical Center para sa gamutan.

Samantala, nahuli ng mga responding Barangay Tanod ng Barangay Bulihan ang suspek at isinuko sa pulisya, kasama ang umano’y ginamit na patalim.

Ang biktima ay kinilalang si ALBERTO, 36 taong gulang, tubong Agdangan, Quezon, at residente ng Barangay Bulihan, Malvar.

Ang suspek naman ay si ALEX, 23 taong gulang, tubong Bayambang, Pangasinan, at kasalukuyang residente ng Barangay Bulihan.

Inihahanda na ng Malvar MPS ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong frustrated homicide laban sa suspek.