Opens in a new tab
Skip to content
National

Impeachment trial ni VP Duterte, posibleng maging full-day sa October

CHIZ ESCUDERO

Posibleng magbago ang schedule ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng October, habang isinasagawa rin ng Senado ang mga committee hearing para sa proposed 2027 national budget.

Inanunsyo ito ni Presiding Officer Senator Chiz Escudero bago nagtapos ang ika-21 araw ng paglilitis nitong Miyerkules, September 2.

Sa planong schedule, maaaring umabot mula umaga hanggang early evening ang impeachment hearings sa October 1 at 2, October 5 hanggang 9, at October 12 hanggang 15.

May full-day hearings din na pinag-aaralan para sa November 9 at 16.

Ginagawa ang adjustment para magkaroon ng oras ang mga Senate committee sa pagtalakay sa 2027 national budget, habang nagpapatuloy pa rin ang impeachment proceedings.

Pero hindi pa final ang schedule. Ayon kay Escudero, kailangan pa itong pormal na kumpirmahin ng Senado sa susunod na linggo.

Natapos ang hearing nitong Miyerkules bandang alas-3:46 ng hapon. Nakatakdang magpatuloy ang trial sa September 7, alas-10 ng umaga. | BChannel News