Opens in a new tab
Skip to content
Business

NPC pinasusunod sa data privacy rules ang Meta, Roblox, Reddit at Discord

Sinimulan ng National Privacy Commission o NPC ang mas mahigpit na pag-check sa apat na malalaking digital platforms dahil sa usapin ng registration at protection ng personal data ng kanilang users.

Nagyong September 22, naglabas ang NPC ng Show Cause Orders laban sa Meta, Roblox, Reddit at Discord, kaugnay ng sinasabing hindi pagsunod sa applicable registration requirements sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 at NPC Circular 16-03.

Ang Show Cause Order ay bahagi ng proseso kung saan hinihingan ang isang entity ng paliwanag tungkol sa isang regulatory concern.

Ayon sa NPC, tinitingnan ngayon ang compliance ng digital platforms sa iba’t ibang data privacy requirements, kabilang ang registration, transparency, legal na paggamit ng personal data, rights ng users, accountability, at security measures.

Mas binibigyang-pansin din ng Commission ang protection ng mga bata at kabataan, dahil mas bahagi na ng kanilang pag-aaral, communication at social interaction ang online platforms.

Sinabi ng NPC na dapat legal, patas at secure ang paghawak sa personal information, at dapat nirerespeto ang rights ng bawat data subject.

Kasabay nito, sinabi ng Commission na patuloy nitong paiigtingin ang monitoring at investigation sa mga digital platforms na kumokolekta at nagpo-process ng personal data ng mga nasa Pilipinas.

Paalala rin ng NPC, hindi lang government at online platforms ang may responsibilidad sa digital safety. Kasama rito ang parents, schools at iba pang stakeholders para maprotektahan ang privacy at personal data ng mga kabataan. | BChannel News