Opisyal nang sinindihan ang giant Christmas tree at iba pang holiday displays ng SM City Batangas nitong October 23, hudyat ng pagsisimula ng kanilang Christmas celebration para sa mga Batangueño.

Tampok sa display ang isang matayog na berdeng Christmas tree na pinalamutian ng makukulay na ornaments, glowing spheres, at geometric triangular frames. Nakapalibot naman dito ang mga accent tree na kulay pink, green, at blue na nagbibigay ng makulay na Christmas atmosphere sa mall.

Ayon sa pamunuan ng SM City Batangas, bahagi ito ng kanilang layuning maghatid ng saya at meaningful experiences sa publiko ngayong holiday season. Kasama rin sa kanilang Christmas campaign ang 12 Iconic Christmas Moments na isinasagawa sa 91 SM malls nationwide.

Sa mensahe ng mall management, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng mga tradisyong nag-uugnay sa mga pamilya at komunidad tuwing Pasko. Nagpaabot din sila ng Christmas greetings sa mga bisita at mamimili.
Bukod sa Christmas tree lighting, ipinakilala rin ang bagong kuwento ng Besties of Joy 2026. Makikiisa rito sina Maki, Matty, Sasha, at Sera ng SM Super Pets Club upang ipalaganap ang diwa ng friendship at sharing ngayong Kapaskuhan.

Sa konsepto ng Besties of Joy, isang stuffed toy ang iuuwi ng mamimili habang ang isa naman ay mapupunta sa isang bata sa pamamagitan ng beneficiary partner ng programa. Sa ganitong paraan, nagiging pagkakataon ang pagbili upang maibahagi rin ang saya ng Pasko sa mga batang makatatanggap nito.

Nasaksihan ng mga mallgoer ang ceremonial lighting ng giant Christmas tree. Kabilang sa mga dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Batangas City VM Alyssa Cruz at Representative 5th District of Batangas Beverley Dimacuha, kung saan nag-iwan ng mensahe ngayong kapaskuhan.

Samantala, pormal na din sinalubong ng SM Center Lemery ang Christmas season sa pamamagitan ng “Holiday Glow” Christmas Tree Lighting Ceremony noong October 22, 2026.

Tampok sa event ang musical performances at ceremonial lighting, na dinaluhan nina Lemery Vice Mayor Atty. Hannah Cabral, Councilor Ivanna Malabanan, at EJ De Castro, kasama ang mall officials.

Layunin din ng aktibidad na maghatid ng holiday spirit at pagsasama-sama ng mga pamilya at komunidad ngayong Kapaskuhan. |via #BCBrandLab |