Ininspeksyon ng Office for Transportation Security o OTS Administrator at mga port stakeholder ang Batangas Port sa Batangas City nitong October 29, 2026, upang matiyak ang kahandaan ng pantalan sa inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong Undas.
Bahagi ito ng paghahanda para sa Oplan Biyaheng Ayos: UNDAS 2026, kasama ang Philippine Coast Guard o PCG at Asian Terminals Inc. na layong palakasin ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.
Bago ang inspeksyon, kinilala rin ang mga security personnel na nakadiskubre ng ipinagbabawal na droga at iba pang security-related items sa routine screening.
Namahagi rin ang OTS ng Go Bags na naglalaman ng travel guides at safety information materials upang gabayan ang mga pasahero sa ligtas na paglalakbay.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang maayos na operasyon ng pantalan at mapanatili ang seguridad ng mga biyahero sa buong Undas 2026.