Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Sunod-sunod na Lindol Naitala sa iba’t ibang lugar sa probinsya ng Batangas

Sunod-sunod na lindol ang naitala sa iba’t ibang bahagi sa probinsya ng Batangas ngayong Martes, Sept. 30

Pinakamalakas ang magnitude 3.7 na lindol na tumama alas-12:48 ng madaling-araw, may lalim na 108 kilometro sa kanlurang bahagi ng Nasugbu. Kasunod nito, alas-12:57 AM, niyanig din ng magnitude 3.5 ang parehong lugar.

Bandang 1:41 ng umaga, isang magnitude 3.5 din ang naitala sa Calatagan, at sinundan pa ng magnitude 1.7 at 1.8 sa parehong bayan bago mag-umaga.

Pinakahuli, alas-12:27 ng tanghali, niyanig ang bahagi ng Tingloy ng magnitude 2.8 na lindol na may lalim na tatlong kilometro. Naramdaman ito sa Puerto Galera, Oriental Mindoro sa intensity one.

Wala namang naiulat na pinsala o inaasahang aftershocks sa mga naturang pagyanig. | BChannel news