Isang lalaki ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Bundukan, Nasugbu, Batangas, dakong alas-12 ng tanghali nitong Oktubre a-9, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng Nasugbu Municipal Police Station, ang biktima na kinilalang si Allan, 48 anyos, residente ng Barangay Putat, ay kasama noon ang isang Nicholas habang nangunguha ng mga alimango at seashells ng nasabing barangay.
Habang abala sa pangunguha, biglang kumidlat at tinamaan ang biktima na agad nitong ikinasawi. Dinala naman ng kanyang kasama ang katawan sa bahay ng pamilya upang ipaalam ang nangyari.
Sa ulat ng pulisya, pinili ng pamilya ng biktima na huwag nang isailalim sa autopsy examination ang katawan ng biktima. | BChannel news