Nasagip ng Philippine Coast Guard ang isang nawawalang crew member ng fishing boat na FBCA Gavin sa karagatang sakop ng Silanguin Island, Zambales, nitong December 25.
Kinilala ang nasagip na si Larry Tumalis na nawala matapos maglayag sakay ng maliit na bangka para mangisda noong December 24.
Nang bumalik ang mother boat sa huling kinaroroonan niya, wala na siya roon. Matapos ang ulat, agad rumesponde ang Coast Guard at nag-deploy ng BRP Cape San Agustin.
Makalipas ang tatlong oras ng search and rescue, matagumpay na natagpuan si Tumalis bandang alas-dos kinse ng hapon.
Agad siyang sinuri at binigyan ng tulong medikal at psychosocial support at napag-alamang nasa mabuting kalagayan.
Ligtas siyang ibinalik sa FBCA Gavin habang patuloy ang Coast Guard sa pagbabantay at pagsagip sa ating karagatan. | BChannel news