Nasunog ang residential dumpsite sa Brgy. Palanas, Lemery, Batangas bandang 10:40 kagabi, Pebrero 13.
Ayon sa ulat ng Lemery Municipal Police Station, isang concerned citizen ang tumawag alas-11:30 ng gabi upang ireport ang insidente matapos itong unang mapansin ng isang residente malapit sa dumpsite na agad namang nagbigay-alam sa Bureau of Fire Protection.
Rumesponde ang mga bumbero ng Lemery, kasama ang BFP ng Agoncillo at Taal upang apulahin ang apoy.
Sa pinakahuling tala ng BFP, nasa 29 na bahay ang nadamay sa sunog. Wala namang naitalang nasawi o nasugatan habang patuloy ang fire suppression operations.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog. | BChannel news