Bumuhos ang suporta ng mga #kakamPinks sa pagbisita ni Presidential Aspirant at ngayo’y Pangalawang Pangulo; Leni Robredo sa Lungsod ng Batangas.
Napuno ng kulay rosas ang buong munisipalidad ng Batangas nang dumating at bumisita ang Bise Presidente upang personal na makapanayam ang kasalukuyang Mayor ng lungsod; Mayor Beverly Dimacuha at asawa nito na si Congressman Marvey Mariño.
Tinalakay sa nasabing pagbisita ang mga proyektong nakahain ng bise presidente para sa kanyang kandidatura at ang inilabas na budget ng Office of the Vice President para sa COVID-19 response.
Matapos ang pagbisita sa Plaza Mabini, agad namang tumungo ang bise presidente sa Sampaguita Farm at doo’y nakapanayam ang ilang mga student journalists at iba pang miyembro ng organisasyon.
Panghuling agenda ni VP Leni ay ang pagbisita sa San Pascual kung saan kanyang nakasalamuha ang mga frontliners mula sa iba’t-ibang bayan ng District 2.