fbpx

AMERIKANO ARESTADO SA PANANAKIT NG KA-LIVE IN SA TANAUAN CITY

Arestado ang isang American National ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa reklamo ng kanyang battered Filipina common-law wife, nitong nakaraang huwebes (Nov. 18)

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Reuben Henry Hartfield, 61 taong gulang at naninirahan sa Tanauan City.

Nahuli ang suspek matapos dumalo sa isang hearing na isinampa ng kanyang ka live-in partner sa Tanauan Municipal Trial kaugnay sa paglabag ng RA 9262, o Anti-Violence Against Women and Children Act (VAWC).

Sa kasalukuyang nakakulong si Hartfield sa BI Detention Center sa Camp bagong Diwa sa Taguig City habang dinirinig ang deportation Proceeding ng BI Board Board of Commissioners.

About Author