
Sa pagdiriwang ng ika-141 taong kapanganakan, binigyang parangal at pagkilala ang naitala sa kasaysayan ng lungsod na may pinkamatagal na panahon ng paglilingkod sa pamahalaang lokal ng Tanauan.
Si Felix E. Ebron ay naglingkod sa loob ng 42 taon sa mga Tanaueño bilang miyembro ng Konseho, Bise Presidente Municipal at Presidente Municipal na katumbas ng pagiging, konsehal, Vice Mayor, at Mayor sa kasalukuyan.
Nagumpisa siyang maging lingkod bayan noong taong 1921 hangang sa kaniyang pagreretiro sa serbisyo noong 1963. “Undefeated at uninterrupted for 42 years” na lingkod bayan, patunay na hindi matatawaran ang kaniyang galing sa pamumuno at angking kakayahan.
At bilang pagpupugay sa kaniyang hindi matatawarang serbisyo ipinangalan sa kaniya ang bulwagan o “session hall” ng Sangguniang Panlungsod, kung saan dito rin isinagawa ang seremonya ng paggunita sa kaniyang ika-141 taong kapanganakan. Ang pagpapanatili ng pangalang “Felix Ebron Session Hall” ay pagpupugay hindi lamang sa kanya kundi na rin sa kahulugan ng tunay na serbisyo sa bayan.
via | Tanauan CIO