fbpx

SOLO PARENT ACT, APRUBADO NA SA SENADO

Inaprubahan na ng Senado ang Solo Parents Welfare Act sa ikatlo at huling pagbasa.

Inaamyenda nito ang Republic Act No. 8972 o Providing for Benefits and Privileges to Solo Parents and the Children, upang mapabuti ang mga serbisyo ng gobyerno para sa mga solong magulang.

Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act, lahat ng solong parent ay makikinabang sa Comprehensive Package of Social Protection Services, kasama ang mga pagkakataon sa kabuhayan, legal advice at assistance.

Magkakaroon ng 20 percent discount sa mga bayarin sa ospital at tuition fee sa paaralan para sa kanilang anak.

Magkakaroon din ng Solo Parent Identification Card (SPIC) sa ilalim ng panukalang batas, kasama ang mga karagdagang benepisyo tulad ng 20 percent discount para sa infant formula, diaper, gamot, bakuna, kagamitang medikal, food supplement, at iba pang pangunahing pangangailangan.

About Author